Quebec – Nasa 700 Canadian doctors at medical students sa Quebec ang nagprotesta sa kanilang gobyerno dahil sa pagbibigay sa kanila ng malaking sahod! Base sa datos na inilabas ng Canadian Institute of Health – umaabot sa 403,537 Canadian dollars ang kanilang sinasahod kada-taon na katumbas lang naman ng mahigit 16.2-million pesos! Anila, sobra-sobra ang pinapasahod sa kanila ng gobyerno. Hindi raw kaya ng konsensya nila na tinataasan ang kanilang sahod habang nananatiling maliit ang natatanggap ng mga nurse at clerks at hindi lahat ng pasyente ay may access sa maayos na medical services. Kaya panawagan nila, bawasan ang kanilang sahod para mailaan ang pera sa iba pang societal needs.
Facebook Comments