Sobrang daming mga middleman sa agri-products, dapat limitahan ayon sa ilang farmers group

Pinalilimitahan sa pamahalaan ng ilang farmers group sa ang sobra-sobrang daming mga middleman sa lahat ng agricultural products sa bansa.

Ito ang panawagan ng Philippine Chamber of Agriculture and Fisheries Inc., at ng Water Security Movement Inc.

Ayon sa mga ito, dumadaan sa anim na middleman ang isang produkto bago ito makarating sa mga mamimili.


Noong Hulyo 7, 2022, ilang araw matapos umupo si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa Malakanyang, kanilang isinumite ang mga rekomendasyon para maparami ang agri-products ng bansa at mapababa ang presyo sa pamilihan.

Kabilang sa mga ito ang pamamahagi ng farm equipment, paggawa ng mga irigasyon, subsidiya sa fertilizer, pagpapalawak ng mga farmers’ cooperative, paggawa ng mga food storage, paggamit ng mga hybrid na punla at pagdagdag ng mga farm technician.

Bagama’t ang ilan sa mga ito ay ginagawa na ng pamahalaan, ang pagdami naman ng mga ahente o middleman ang siyang problema kung bakit patuloy sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments