Kinaroonan ni Cong. Teves, naitimbre na sa pamahalaan

Kinumpirma ng kampo ni Cong. Arnolfo Teves na naitimbre na nila sa pamahalaan ang kinaroroonan ng mambabatas.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, sinabi ng kanyang kliyente kina Speaker Martin Romualdez at Justice Sec. Boying Remulla ang lokasyon nito.

Kinumpirma rin ni Topacio na nangangalap pa sila ng karagdagang panahon para makakuha ng ebidensiya.


Kaugnay ito ng reklamong illegal possession of firearms and explosives na isinampa ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kay Teves.

Aniya, noong nakaraang linggo lang kasi nila nakuha ang subpoena.

Ang reklamong ito ay nag-ugat sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa bahay ni Teves sa Bayawan City, Negros Oriental noong March 10, 2023 kung saan nakuha ang iba’t ibang uri ng mga baril at pampasabog.

Facebook Comments