Sobrang populasyon sa Metro Manila, kakabit ng problemang nararanasan sa kakapusan ng tubig – PCOO  

Manila, Philippines – Naniniwala si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na hindi na sapat ang isinusuplay na tubig ng Angat at La Mesa Dam sa mga taga-Metro Manila.

Ang dahilan, sobra-sobra na kasi ang populasyon sa kalakhang Maynila na pumalo na sa mahigit ng 13 milyon.

Ayon kay Andanar, pataas ng pataas ang demand ng tubig habang hindi naman nadadagdagan ang water source o maaaring mapagkunan ng magagamit na tubig ng mga taga NCR.


Sinabi ni Andanar na nakadagdag din sa water challenge ngayon ng mga taga Maynila ang problema sa climate change.

Sa harap nito ay tiniyak ng kalihim na ginagawan na ng paraan ng pamahalaan ang problema sa tubig at sa katunayan, kabilang ito sa naging agenda ng pinakahuling cabinet meeting.

Facebook Comments