Manila, Philippines – Mistulang mga batang pinatayo at pinagsulat sa pisara sina Brian Cu, managing director, GRAB Philippines at kaniyang mga abogado matapos kuwestyunin ni Pwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Jericho Nograles ang pagsingil nito ng dalawang pisong dagdag sa travel time.
Sa reklamo ni Nograles, sinabi niya na mula buwan ng Hunyo 2017, binago ng Grab ang algorithm na nagbago sa computation na naglagay ng dagdag na two peso per minute travel charge.
Aniya, ito ay direktang pagbalewala ng GRAB sa December 2016 LTFRB board order na nag-aatas na ilimita sa times two ang singil sa surcharge.
Aniya, malinaw naningil ng two peso kada minutong travel chargen ng walang pagsangbayon ang LTFRB board.
Ayon naman kay Atty. Miguel Aguila, abogado ng GRAB, magsusumite sila ng dokumento na magpapatunay na hindi overcharging ang kanilang ginawa.