DUMIPENSA | Cebu Pacific, wala umanong kinalaman sa panibagong insidente ng nakawan sa NAIA

92

Manila, Philippines – Iginiit ng Cebu Pacific na hindi sangkot ang kanilang mga tauhan sa umano’y insidente ng pagnanakaw sa maleta ng isang pasahero sa NAIA.

Una rito, nag-viral ang video ng babaeng pasahero sa NAIA na nagsisisigaw nang makitang bukas ang kanyang maleta.

Pero ayon kay Cebupac Spokesperson Charo Logarta – wala silang nakitang indikasyon na pinakialaman ang bagahe ng babaeng pasahero base na rin sa CCTV footage at body cameras ng kanilang ground staff.

Nakikipag-ugnayan na sila sa ground handlers sa Hong Kong International Airport para ma-trace kung saan dumaan ang bagahe ng pasahero.

Samantala, nagsumite na rin ang airline company ng kanilang findings sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Facebook Comments