Sobrang singil ng Meralco, pinababalik ng ERC

Pinababalik ng Energy Regulatory Commission o ERC ang P1.408 billion na sobang singil sa kuryente ng Meralco mula June 2018 hanggang May 2019.

 

Ayon kay ERC Spokesperson Atty. Floresinda Digal, nagkamali kasi ng pagkwenta ang Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) na nagpapatakbo sa wholesale electricity spot market.

 

Nilinaw naman ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na hindi sa kanila napunta ang sobrang singil.


 

Gayunman, tiniyak nito na agad nilang ibabalik ang pera sa mga customer sa pamamagitan ng bawas singil sa generation charge o yung halagang binabayaran sa paglikha ng kuryente.

 

Pero hindi pa aniya nila masasabi kung kailan ito dahil kailangan pa nilang kwentahin kung magkano ang refund sa kada customer.

 

Bukod sa refund sa Meralco pinasasauli rin ng ERC sa PEMC ang P371 million na sobrang singil ng iba pang distribution utilities at mga electric cooperative sa kanilang mga customer.

Facebook Comments