Medical reports sa Pista ng Itim na Nazareno, nasa 54 na!

Umabot na sa 54 ang mga naitalang medical problems ng pamunuan ng Quiapo Church mula kaninang madaling araw.

Sa nasabing bilang, pinakamarami ang mga inatake ng hypertension na nasa 44, lima naman ang nahilo, habang may tatlong nasugatan.

Pero ang mga naturang report ay agad namang natugunan ng mga medic na nakaantabay sa paligid ng simbahan.


Samantala, wala namang napaulat na major emergency incident kaugnay sa pagdiriwang, hanggang sa kasalukuyan.

Facebook Comments