Sa pag-iikot ni Police Lieutenant General Eleazar sa mga quarantine checkpoint papasok ng Metro Manila napansin na marami pang dapat ma-improve para mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus.
Kabilang na dito ang tinatawag na social distancing lalo na sa mga nasa sasakyan at mga residente na gustong tumawid sa kabilang lugar sa simpleng dahilan.
Kanina may mga naglalakad na sunod-sunod na hindi pinapasok sa Valenzuela City dahil sila ay may bibilin lang.
Kung maaalala kahapon napansin na tila naging maluwag sa ilang checkpoint papasok ng Metro Manila, bagay na dapat mabago ayon kay General Eleazar.
Samantala isang lalaking walang I.D. at hindi residente ng Valenzuela City ang inaresto ng mga pulis matapos magpumilit pumasok at nanuntok pa ng pulis.