Social distancing protocols sa mga paaralan sa susunod na pasukan, mas magiging maluwag sa ilalim ng Alert Level 1

Posibleng mas magiging maluwag na ang mga panuntunan sa physical distancing sa mga paaralan sa pagpasok ng susunod na school year kung maisasailalim ang bansa sa Alert Level 1.

Ayon kay Department of Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, sa ngayon kasi ay may limitasyon lamang kung ilang mag-aaral ang maaaring i-accommodate sa isang classroom para ma-obserbahan ang physical distancing requirement.

Nagbaba na rin aniya ng protocol ang Department of Health (DOH) sa DepEd na sa pagpasok ng bagong school year ay maaaring i-relax na social distancing sa ilalim ng pinakamababang COVID-19 alert level.


Sa ngayon, tanging ang mga paaralan lamang na nasa ilalim ng Alert Leve 1 at 2 ang pinapayagang magsagawa ng in-person classes.

Samantala, target din ni incoming DepEd Secretary at Vice President-elect Sara Duterte na ipatupad ang full resumption ng face-to-face classes sa Agosto sa oras na umupo na siya bilang kalihim ng DepEd.

Facebook Comments