Inamin ni vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang social media group ang nasa likod ng security breach ng Smartmatic.
Ito ang ginawang pag-amin ni Sotto mag-i-inhibit matapos ang kanilang ginawang pagbisita sa tanggapan ni Mayor Maria Isabel Climaco Salazar sa Zamboanga City.
Ayon kay Sotto hindi siya mag-i-inhibit sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa naturang security breach ng Smartmatic kung saan hinayaan ng empleyado ng Smartmatic na makopya ang kanyang laptop na naglalaman ng mga impormasyon at proseso sa halalan noon taon 2016 at binayaran umano ng ₱50,000 hanggang ₱ 300,000 ng isang social media group.
Paliwanag pa ni Sotto wala siyang nakikitang dahilan para mag-inhibit sila ng chairperson ng komite na si Senadora Imee Marcos gaya ng panawagan ng Kontra Daya.
Binigyang diin pa ni Sotto na kahit sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Vice President Leni Robredo pa ang sumama sa imbestigasyon ay mas maganda para may transparency at malaman kung makakaapekto ba ito sa nalalapit na halalan.
Hinamon pa ni Sotto ang kontra Daya na kung interesado sila pumunta sila sa National Bureau of Investigation o NBI dahil kumpleto doon ang lahat ng mga impormasyon.