Napiling Top 10 Outstanding Kabataang Cauayeños, Pinarangalan na

21
Cauayan City, Isabela- Pinarangalan na kaninang umaga sa FLDY Coliseum ang sampung napiling awardees na para sa Top 10 Outstanding Kabataang Cauayeños o Young SDG Heroes.

Mismong si Cauayan City Mayor Bernard Dy ang nanguna sa pag-abot ng parangal at cash prize sa mga nanalong kabataan.

Ang mga pinalad na Top 10 Outstanding Kabataang Cauayenos mula sa Top 21 Finalists ay sina Angel Nicole Iniego, Zyrene Z. Cabaldo at Lyndon Lazaro ng Brgy. Cabaruan, Kayla Alexandra C. Dy ng San Fermin, Jessa Marie Lamug Alvarez ng brgy. Sillawit, Cromwell Cruz ng Tagaran, Yaminah Ziah Reyes Sahagun ng Daburab, Jayson Calma Purificacion ng brgy. Labinab, Bill Llonard Jose Resurreccion ng Nagrumbuan at Justin Agustin ng Marabulig Uno.

Masaya naming tinanggap ng sampung awardees ang kanilang parangal habang ang ibang hindi pinalad ay binigyan pa rin ng reward.

Ayon kay Ginoong Christian Gonzales, City Youth Development Officer ng Cauayan City, naging masusi ang kanilang ginawang pagpili dahil dumaan muna sa maraming proseso ang mga lumahok at dipende rin sa kanilang mga nagawang accomplishments.

Facebook Comments