Ipinag-utos na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapatigil sa social media platform na Lyka bilang Operator of Payment System (OPS).
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ito ay dahil sa mga nakabinbin pang rehistrasyon nito.
Ang Lyka ay isang social media platform na inilunsad sa Pilipinas ng isang kompanyang nakabase sa HongKong kung saan pinapayagan ang mga user nito na bumili, makipagpalit at gumamit ng gift cards sa electronic mode o GEMs.
Partikular itong ginagamit ng ilang artista, vlogger, at personalidad sa pagbili ng mga pagkain maging sa ibang kagamitan.
Facebook Comments