Social media post na kumakalat patungkol sa NCAP, peke ayon sa MMDA

Tinawag na “fake news” ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang kumakalat na post sa social media hinggil sa umano’y muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP

Ayon sa MMDA, walang katotohanan ang mga kumakalat na impormasyon hinggil sa NCAP at hindi ito nagmula sa kanilang tanggapan.

Giit ng MMDA, Agosto noong nakalipas na taon pa sinunspinde ang pagpapatupad ng NCAP matapos na magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO ang Korte Suprema hinggil dito.


Kaya paalala ng MMDA sa mga motorista, huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe o post sa social media at alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon mula sa mga lehitimong source.

Bukas naman ang MMDA Hotline 136 para sa anumang katanungan o di kaya’y magpadala ng mensahe sa mga social media platform ng MMDA sa Facebook at Twitter.

Facebook Comments