Pagtatag ng International Investigation Affairs Bureau, napagusapan ng PNP at UAE Police sa Intercol Conference

Tinalakay ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Genera Rodolfo Azurin Jr., at mga opisyal ng United Arab Emirates (UAE) Police ang panukalang pagtatatag ng International Affairs Investigation Bureau para tugisin ang mga dayuhang kriminal sa dalawang bansa.

Isa ito sa mga napagusapan sa pakikipagpulong ng PNP Chief sa mga opisyal ng UAE Police sa pangunguna ni Lieutenant Colonel, Dana Almarzooqi, ang Director General ng International Affairs Bureau at Deputy Director ng International Criminal Police Organization National Central Bureau sa Abu Dhabi.

Kasabay nito ang pagtalakay sa rekomendasyong magsagawa ng quarterly meetings sa pagitan ng PNP at UAE Police para sa mas mahusay na koordinasyon.


Inalok din ng UAE Police sa PNP ang libreng paggamit ng kanilang Artificial Intelligence Technology Provider Hub para mapalakas ang kakayahan ng PNP sa pagsugpo ng online sexual abuse.

Facebook Comments