Social pension para sa mga Senior Citizen, sisimulan ng ipaamahagi sa lunes ng Pasig LGU

Sisimulan na sa lunes ang distribusyon ng Social Pension para sa indigent senior citizens sa Pasig City para sa first semester ng 2024 na pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR).

Kasunod nito, pinapayuhan na ng Pasig City local government unit ang mga senior citizen na alamin na ang mga detalye ng distribusyon.

Hindi lahat ng senior citizens na naka-register sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ay benepisyaryo ng Social Pension mula sa DSWD.


Kung kaya naman dapat lamang na i-check ang listahan ng mga makakatanggap ng Social Pension mula sa DSWD-NCR.

Sa mga kukuha na kamag-anak ng benipisyaryo, kailangan na magdala ng authorization letter ang authorized representative para makuha ang Senior Pension kung hindi magawang makapunta ang mga benepisyaryo.

Samantala, ang manual payout ng social pension ay gagawin sa bawat barangay.

Facebook Comments