
Magpupulong ang mga iba’t ibang bansa na kasapi ng ASEAN social wokers upang talakayin ang mahalagang papel na ginagampanan ng social workers sa panahon ng kalamidad sa bansa.
Dadaluhan ng mga matataas na opisyal ng iba’t ibang bansa sa Asia ang isasagawang ASEAN Social Work Day 2025.
Ang tema ng naturang okasyon ay “Recognizing the vital role of social workers and the social service workforce in disaster risk reduction and climate resilience.”
Kabilang sa mga bansang inaasahang dadalo ay ang Malaysia, Singapore, Thailand, Laos Pdr, Indonesia, Myanmar, at Vietnam na pawang mga kasapi ng ASEAN Social Workers.
Ipakikita mamaya ang video presentation tungkol sa mahalagang papel na ginagampanan ng social workers sa disaster risk reduction and climate resilence kung saan ang bawat bansa ay ibibida ang kanilang kahusayan sa pagtugon ng mga nangyayaring hindi inaasahang kalamidad sa kani-kanilang mga bansa.
Naniniwala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sanay na ang ating bansa sa pagtugon ng mga dumarating na kalamidad dahil sa ang Pilipinas ay madalas o taon-taon nalang ay may nangyayaring kalamidad sa bansa.