Sofia Andres, muntik nang mabiktima ng snatcher sa EDSA!

47

Muntikan nang mahablutan ng mobile phone ang aktres na si Sofia Andres habang bumibiyahe sa EDSA nitong Miyerkules ng gabi, February 24.

Sa video na ibinahagi ni Sofia sa kanyang Instagram stories, makikitang bahagyang umuusad ang kanilang sinasakyan habang bumibiyahe sa EDSA.


Nakaupo sa backseat ang young actress, nakatingin sa labas ng sasakyan habang katabi ang car racer boyfriend niyang si Daniel Miranda.

Kuwento ni Sofia, ginagamit niya ang kanyang cellphone nang may lalaki na biglang lumapit sa kanyang bintana na 2-inches lang na naka-open at tinangkang hablutin sa kanya ang phone.

Mabuti na lang daw at hindi nakuha ang kanyang telepono.

Hindi naman binanggit ni Sofia ang eksaktong lokasyon nila sa EDSA kung saan nangyari ang insidente pero nagbabala ito laban sa mga phone snatchers.



Facebook Comments