SOJ Aguirre, sinampahan ng kaso dahil sa pagpapakalat umano ng fake news

Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II dahil sa fakes News na ipinakalat ng kalihim laban kina Senator Bam Aquino, Senator Antonio Trillanes IV, Magdalo Representative Gary Alejano at dating Political Adviser Ronald Llamas na may kaugnayan sa Marawi crisis.

Base sa 12 pahinang reklamo nina Shamah Bulangis et al., pinaratangan umano ni Aguirre sina Aquino, Trillanes, Alejano at Llamas na nagpulong sa Lake View Resort Hotel sa Marawi noong April 24 at April 28 kasama umano ang ilang Moro Family.

Pagkatapos ng dalawang linggo ay hindi umano malaman ng kalihim kung bakit biglang nagkagulo na sa Marawi kung saan nagpakita pa ng mga picture si Aguirre sa mga media sa isinagawang presscon.


Nilinaw naman ni Senador Aquino na nagtungo siya sa Marawi noong May 19 upang pasinayaan ang unang Negosyo Center sa ARMM at may roon escort na AFP sa buo niyang trip.

Giit ng mga complainant dapat umanong masibak na sa pwesto si Secretary Aguirre dahil sa kanyang iresponsableng pahayag sa media.

Facebook Comments