SOJ Remulla, itinalagang bagong Ombudsman

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Justice Secretary Boying Remulla bilang bagong Ombudsman kapalit ni dating Ombudsman Samuel R. Martires noong Hulyo.

Si Remulla, na nagsilbi bilang ika-59 na Kalihim ng Katarungan mula Hunyo 2022, ay kinilala sa pagpapatupad ng mga reporma sa Department of Justice (DOJ) kabilang ang modernisasyon ng justice system, pagpapabilis ng kaso, at pagpapalawak ng access sa legal na serbisyo.

Ayon sa Malacañang, malinaw ang direktiba ng administrasyon na patuloy na labanan ang korapsyon at tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng transparency at anti-corruption measures.

Bilang Ombudsman, nakatakdang pangunahan ni Remulla ang pagbabantay upang mapanatiling patas at epektibo ang hustisya.

Binigyang-diin din ng Palasyo na walang makakalusot sa pananagutan at lahat ng opisyal ng gobyerno ay may pananagutan sa publiko.

Pinagtibay ng Pangulo na mananatiling gabay ng kanyang pamahalaan ang transparency, katarungan, at rule of law tungo sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas.

Facebook Comments