Connectivity sa Cebu at Masbate, halos balik-normal na —DICT

Iniulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na halos balik-operasyon na ang internet at komunikasyon sa mga lugar na tinamaan ng bagyo at lindol.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DICT Secretary Henry Aguda na 100% na ang restoration ng Globe at Dito Telecom sa Cebu at Masbate.

Habang 98% nang naibalik ng Smart ang linya sa Cebu at 77% naman sa Masbate.

Ayon kay Aguda, naging mabilis ang restoration dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Energy (DOE) na nagbigay ng power supply, Department of Public Works and Highways (DPWH) na nag-ayos ng mga kalsada, at Department of Transportation (DOTr) na naghatid ng relief at ayuda.

Binigyang-diin din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat maulit ang pagkawala ng signal sa tuwing may sakuna.

Facebook Comments