Opisyal na inihayag ng South Korea ngayong araw na inalis na nila ang bansang Japan sa kanilang listahan ng mga pinagkakatiwalaang trade partners.
Kaugnay ito ng paggamit ng Tokyo sa labor forced noong World War II.
Binalaan na ng Seoul ang Tokyo na pababagkasin nito ang estado ng komeryo katulad ng ginawa ng Japan sa South Korea nitong Agosto.
Bunsod nito, madagdagdagan pa ang ipapasang dokumento ng mga local companies shipping strategic goods mula sa Japan na inaasahang maaaprubahan sa loob ng 15 araw imbes na lima.
Matatandaang nag-umpisa ang alitan sa pagitan ng dalawang bansa nitong Hulyo matapos higpitan ng Japan ang pag-aangkat mula sa kompanyang Samsung.
Facebook Comments