SoKor, kinuwestiyon ang alyansa nila sa US matapos taasan ni Trump ang bayad para sa kanilang mga sundalo

Kinuwestiyon ng South Korea ang US tungkol sa pagiging kaalyado nila matapos taasan ni President Donald Trump ang bayad nito para sa kanilang mga sundalo.

Nabatid na maging ang mga mambabatas ng democrats ay kinukuwestiyon din ang nasabing pagpapabayad ni Trump sa South Korea.

Nasa mahigit 400% na kasi ang itinaas ni Trump na kailangang mabayaran ng South Korea para mapanatili ang pagmo-monitor o pagbabantay sa kanila ng mga sundalo.


Ayon kay US Secretary of Defense Mark Esper – ang nasabing hakbang ay dahilan ng panibagong pagbabanta ng North Korea sa kanilang lugar.

Facebook Comments