Lalaki suwerte sa lotto, nanalo ulit doble ng halaga ng napanalunan noon

162
Courtesy: UPI

Isang lalaki sa Maryland ang muling naka-jackpot sa lotto ng halagang doble sa una niyang napanalunan.

Nag-uwi ng $50,000 si James Blanchette, 74-anyos mula sa Westminister matapos swertehin ang Diamond scratch-off ticket na binili niya habang bumibili ng diyaryo para sa kanyang asawa.


Nagbiro pa ang lalaki na agad daw nagkaroon ng dollar sign sa mga mata ang kanyang misis nang malamang panalo ang hawak niyang ticket.

Nanalo na rin ilang taon ang nakaraan si Blanchette mg $25,000 mula sa Pick 4 drawing.

Ayon sa maswerteng lalaki, gagamitin niyang pambayad ng utang ang ilang parte ng napanalunan at ang iba naman ay mapupunta sa ipon.

Facebook Comments

From Advertisers