Ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang isang solar dryer sa mga magsasaka sa San Rafael West sa nasabing bayan na naglalayong makatulong sa mga magsasaka na maiwasan ang pagpapatuyo ng kanilang mga naani sa gilid ng mga kalsada.
Ang solar drying pavement ay Isang solar dryer na maaaring magamit ng mga magsasaka sa pagpapatuyo ng ibat ibang klase ng mga pananim na naaayon sa panahon.
Samantala, ito ay may sukat na 330 square meters at sa tulong ng solar dryer na ito ay inaasahang tumaas ang kita ng bawat mag sasaka sa nasabing barangay sa pamamagitan nang pagbibigay ng mga quality produce na mga ani. |ifmnews
Facebook Comments