CROPS DAY NA BAHAGI NG AGRI TRADE EXPO’ 2023 SA ALAMINOS, ISINAGAWA

Isinagawa sa Alaminos City ang “Crops Day” kung saan bahagi ito ng Agri Trade Expo’ 2023 activities ng lungsod na may temang “Masaganang Agrikultura at Nagkakaisang Kooperatiba Tungo sa Komunidad na Maginhawa” na ginanap naman sa Plaza Enrique Braganza.
Iba’t ibang barangay ang nakilahok at nag-entry sa naturang aktibidad at galing ang mga ito sa bawat cluster ng Farmers and Fisherfolk Association.
Ilan sa contest na pina kumpitensyahan ay Alaminos Best Native Rice Cakes Pananaman Contest, Pinakbet Cooking Contest at Spoken Word Poetry.

Dumalo naman sa ginanap na programa ang kinatawan ng Executive Assistant III, City Agriculturist, City Cooperative Officer at mga hurado ng naturang kompetisyon. |ifmnews
Facebook Comments