Solar Electric Jeep, suportado ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas

Manila, Philippines – Suportado ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas o LTOP ang ipinagmamalaki ng Dept. Of Energy na Solar Electric Jeep.
 
Ayon kay LTOP President Orlando Marquez ang Solar Electric Jeepney na ito ay matatawag na prototype ng jeepney na pasok sa mga kategorya ng Standard Program ng gobyerno na kung saan ay may mga sumusunod una Egornomic Design and Road Worthiness , Measurements, Materials, Fuel Efficiency, environment Friendliness, General Safety, Road Classification Sensitive at Filipino Flavor.
 
Paliwanag ni Marquez na ang Solar Jeepney ay hindi na nangangailangan ng Fuel, Oil change at Zero Pollutant na siya namang hinahanap ng mga Operators, Drivers at lalo na ng mga Commuters.
 
Dagdag pa ni Marquez na kung sakaling lubos ang tulong ng DOE ang mga jeepney umano ay mabibigyan ng loan facilities upang maging madali ang pagpapalit ng mga Operators ng kanilang mga lumang Jeepneys.
 

Facebook Comments