Nagsagawa ng talakayan at site visit ang lokal na pamahalaan ng Mapandan kasama ang isang investor para sa posibleng pagtatayo ng solar farm at river park sa bayan.
Sa mga barangay ng Luyan at Aserda posibleng itayo ang naturang solar farm, na binisita na rin ng Municipal Engineering at Assessor’s Office.
Bukod dito, sinisikap rin na maisakatuparan sa Angalacan River ang posibleng pagpapatayo ng river park bilang dagdag atraksyon na magpapalakas sa turismo ng Mapandan.
Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon o petsa ng implementasyon ang mga proyekto at kasalukuyang pinag-aaralan ang feasibility at epekto nito sa mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










