Solar power facilities, itatayo sa mga kampo ng militar sa tulong ng Korea

Pumirma ang Department of National Defense (DND) at Korea Electrical Safety Corporation (KESCO) ng isang kasunduan para sa pagtatayo ng solar power facilities sa mga kampo ng militar sa buong bansa.

Ang kasunduan ay batay sa unang agreement ng Pilipinas at Ministry of Trade, Industry and Energy ng Republic of Korea (MOTIE-ROK) kaugnay sa pagpapalawig ng “renewable energy” na nilagdaan sa state visit ng Pangulong Rodrigo Duterte noong June 4, 2018.

Sa ilalim ng kasunduan, magtatayo ang KESCO ng mga solar panel project sa mga kampo ng militar na may kapasidad na mula 50 hanggang 100 megawatt.


Kabilang dito ang Camp General Macario Peralta Jr., Jamindan, Capiz sa Central Visayas at Camp Kibaritan, Kalilangan, Bukidnon sa Mindanao.

Sa signing Ceremony sa Camp Aguinaldo, nagpasalamat si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa KESCO sa kanilang malaking kontribusyon sa pagsulong ng mga solar-energy project sa bansa.

Tiwala naman si Jihyun Park, Pangulo ng KESCO na patuloy na magtutulungan ang pamahalaan ng Pilipinas at Republic of Korea para sa ikatatagumpay ng proyekto.

Facebook Comments