Nakipag-partner ang Mindanao Development Authority (MinDA) sa isang Israeli agricultural company para mag-develop ng water system na pwedeng gamiting inumin at irigasyon sa remote areas sa Mindanao at Palawan.
Ayon kay MinDA chairman Manny Piñol – nangangailangan ng tubig, kuryente at rural infrastructure ang agricultural sector sa Mindanao at Palawan.
Sa ilalim ng Mindanao Rural Water Supply Program, nakikipagtulungan na ang MinDA sa DILG para sa disenyo ng technical at financial plan para sa solar-powered water supply at desalination plant.
Facebook Comments