Simula Agosto ngayong taon ipapatupad na ng Department of Agriculture at Department of Interior and Local Government ang Solar -Powered Rural Water Supply Program sa mga remote areas sa bansa.
Layon nito na mabigyan ng sapat na irigasyon ang mga pananim at high value crops gayundin magkaroon ng ligtas na inuming tubig ang mga residente sa lugar.
Popondohan ng DA ang proto-type project sa ilalim Ng kasalukuyang Solar-Powered Irrigation System Project.
Target ng programa ang mga remote barangays lalo na sa maraming Isla sa bansa na hindi naaabot ng elektrisidad at umaasa lang ang mga residente sa open water sources.
Base sa datus, nasa 30% lamang sa mahigit 40 libong barangays sa buong bansa ang walang mapagkunan ng malinis at ligtas na inuming tubig.
Ang kawalan umano ng water supply sa mga remote barangays ay nakakaapekto sa food production activities ng mga residente lalo na sa pagtatanim ng mga gulay at iba pang pananim.
Isang Memorandum of Agreement ang nakatakdang lagdaan ng DA at Dilg para sa implementation ng programa.