Iginiit ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na malaki ang maitutulong ng irigasyon para mapaunlad ang produksyon ng bigas at iba pang produktong agrikultura sa bansa.
Pahayag ito ni Romualdez matapos siyang makiisa sa pamamahagi ng 17 solar pumps para gamitin sa irigasyon ng mga magsasaka sa lalawigan ng Isabela.
Bukod dito, sinamahan din ni Romualdez at ng mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa inagurasyon ng isang malaking solar pump project sa nabanggit na lugar.
Ang proyekto na mayroong pumping station ay binubuo ng 1,056 solar panels na kayang magproduce ng 739,000 watts of electricity at may dalawang units ng submersible pumps din ito na kayang mag-produce ng 2,800 gallons kada minuto.
Ang patubig ng nabanggit na proyekto ay sasaklaw sa 350 ektarya agricultural land kung saan makakatipid na ang 237 mga magsasaka na gumagastos pa ng gasolina o diesel para sa kanilang water pumps.