Solemnity of the Immaculate Conception, ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Simbahang Katolika ang kapistahan ng Immaculate Conception.

Ito ay ang doktrinang “Ineffabilis Deus” ni Pope Pius IX noong 1854 na nagsasaad na walang bahid ng orihinal na kasalanan si Maria mula nang siya’y ipaglihi.

Ang December 8 ay isa sa ‘day of obligation’ para sa mga Pilipinong Katoliko at idineklara rin bilang special non-working holiday noong 2017 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa ilalim ng Republic Act 10966, kinikilala rin si Maria sa titulong Immaculate Conception bilang principal patroness o pangunahing patrona ng buong Pilipinas.

Samantala, mamayang alas-6:00 ng gabi idaraos ang fiesta mass sa Manila Cathedral kung saan gaganapin din ang investiture ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ng kaniyang pallium.

Facebook Comments