Solenn Heussaff, nag-sorry sa kontrobersyal na post sa isang slum area

Humingi ng sorry si Solenn Heussaff kaugnay ng kontrobersiyal niyang picture sa isang slum area.

Miyerkules nang batikusin ng netizens si Solenn matapos niyang i-post sa Instagram ang kanyang artistic shot, tampok ang kanyang mga pinta kung saan kita sa backdrop ang kahirapan sa lugar.

May ilang netizens na pinagbintangan si Solenn na gumagamit daw ng “poverty porn” o ginawang selling point ang kahirapan para i-promote ang kanyang upcoming art exhibit.


Kahapon, kasabay ng pagbura sa controversial post ay isang mahabang paliwanag ang ipinost ni Solenn sa kanyang social media accounts.

Say ng aktres, gusto pa rin niyang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan at inako ang anumang pagkukulang.

Bagamat ang sining daw ay nakadepende sa pananaw ng tumitingin, natuto siyang maging mas sensitibo sa pananaw ng ibang tao.

Gusto lamang daw ipakita ni Solenn ang reyalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino at wala siyang masamang intensiyon dito.

Facebook Comments