Solicitor General Jose Calida, no-show sa pagdinig ng Kamara sa prangkisa ng ABS-CBN

No-show sa joint hearing ng House Committee on Legislative Franchises at Committee on Good Government and Public Accountability para sa 25-year franchise renewal ng ABS-CBN si Office of the Solicitor General (OSG) Jose Calida.

Sa ipinadala nitong liham kay Legislative and Franchises Chairman Franz Alvarez, sinabi ni Calida na hindi siya maaaring makibahagi sa naturang pagdinig base sa sub judice rule.

Paliwanag pa nito, tumatayo kasi ngayon si Calida bilang statutory counsel para sa National Telecommunications Counsel (NTC) na siya namang naglabas ng cease and desist order laban sa ABS-CBN isang araw matapos na mapaso ang prangkisa nito noong May 4, 2020.


Nagsisilbi ring kinatawan ng NTC ang OSG sa Petition for Certiorari and Prohibition na inihain ng ABS-CBN sa Korte Suprema.

Samantala, papadalhan muli ng imbitasyon si Calida para obligahin na humarap sa mga susunod na pagdinig at hihingan ng paliwanag para hindi ma-cite in contempt.

Mababatid na noon ay naghain din ng quo warranto petition ang OSG sa Korte Suprema laban sa validity ng napasong prangkisa ng ABS-CBN.

Facebook Comments