Solidarity Vaccine Trial, hindi apektado ng dalawang linggong ECQ – DOST

Magpapatuloy pa rin ang Solidarity Vaccine Trial ng World Health Organization (WHO) para sa pag-aaral ng pagiging epektibo ng paggamit ng magkaibang dose ng COVID-19 vaccine sa una at ikalawang dose.

Ayon kay Deparment of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina Guevara, hindi naman apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila ang solidarity trial sa buwan ng Agosto.

Nasa limang COVID-19 vaccines ang pag-aaralan sa pamamagitan ng mix and match kabilang ang Sinovac, Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer at Moderna.


Magsisimula sa Agosto 15 ang solidarity trial at tatagal nang 18 buwan na popondohan ng gobyerno sa pamamagitan ng DOST at Department of Health.

Facebook Comments