Pagpapaigting ng ating depensa, makakatulong sa pagtatanggol ng ating teritoryo ayon sa bagong AFP Chief

84

Naniniwala ang bagong pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang pagpapaigting ng depensa ng ating sandatahan ay makakatulong sa pagtatanggol ng ating mga teritoryo.

Ito ang iginiit ni Lt. Gen. Jose faustino Jr sa kaniyang naging mensahe kahapon kasabay ng panunumpa bilang bagong AFP Chief of Staff.


Ayon kay Faustino, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating sandatahang lakas ay maipapakita natin sa ibang bansa ang ating kakayanan na maging isang independent mula sa foreign control.

Ginanap kahapon, Hulyo 31 ang Change of Command at retirement ceremony ng kaniyang pinalitan na si Gen. Cirilito sobejana.

Facebook Comments