*Cauayan City, Isabela- *Matagumpay na sumailalim sa bread and pastry production training ang ilang mga solo parent sa lalawigan ng Nueva Vizcaya sa pangunguna ng mga kasundaluhan na nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) sa Lalawigan.
Katuwang ng mga CSP Team sa nasabing pagsasanay ang TESDA Kasibu na pinamumunuan ni Ms. Venus Ponia, Assistant Professor 1 ng Nueva Vizcaya.
Tinatayang aabot sa dalawampu’t isang (21) solo parent mula sa brgy. Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya ang sumailalim sa pagsasanay.
Sa nasabing pagsasanay ay tinuruan ang mga single parent na magluto at gumawa ng cake, doughnut at iba’t-ibang klase ng tinapay.
Malaki naman ang naging pasasalamat ng mga Solo parent dahil sa mga natutunan na malaking tulong para magkaroon ng hanap buhay nang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
Nagpapasalamat rin ang mga ito sa inisyatibo ng kasundaluhan na naging tulay para maisagawa ang nasabing pagsasanay sa kanilang lugar.