Manila, Philippines – Pina-aalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang non-tariff barriers sa importasyon ng bigas at sa iba pang agricultural products bilang solusyon sa patuloy na pagtaas ng inflation sa bansa.
Inaatasan ng Administrative Order (AO) 13 ni Duterte ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), National Food Authority (NFA), Sugar Regulatory Authority (SRA) at Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inilabas ang kautusan matapos irekomenda ng mga economic adviser na agad magpatupad ng hakbang kontra inflation na umabot na sa 6.4 percent noong Agosto.
Aniya, layunin din ng AO 13 na mapabilis ang proseso ng aplikasyon para sa importasyon at mapunan ang kakulangan sa supply at matiyak na stable ang presyo ng mga agricultural product sa mga pamilihan.