SOLUSYON | Malacañang, maglalabas ng EO para tugunan ang tumataas na presyo ng bilihin

Manila, Philippines – Maglalabas ng executive order (EO) ang Malacañang para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng pangunahing bilihin sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isinumite na ng economic manager kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang suhestyon para mapigilan ang pagmahal ng bilihin.

Aniya, laman ng ipinasang draft EO ng economic managers ang pagmamadali sa importasyon ng isda, asukal, gulay, karne at bigas.


Kasama rin sa hakbang ang pagsusulong sa rice tariffication bill, pagbebenta ng mga inangkat na isda sa palengke at pagpayag sa mga malalaking kumpaniya na gumagamit ng asukal na sila na ang mag-angkat.

Facebook Comments