SOLUSYON | Mga airlines, binigyan ni Speaker Alvarez ng 45-days para ilipat ang kanilang mga domestic flight

Manila, Philippines – Inutusan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang MIAA na solusyunan ang problema sa sobra-sobrang domestic flights sa NAIA.

Iginiit ni Alvarez na ang excess domestic flights ang nagiging problema sa air traffic at delay ng mga flights.

Inoobliga ni Alvarez ang lahat ng mga airlines na ilipat sa Clark International airport ang kanilang excess domestic flights sa loob lamang ng 45-days.


Binalaan ni Alvarez na kung hindi susunod ang mga airlines ay babawiin ang franchise ng mga ito.

Giit ni Alvarez, safety at convenience ng publiko ang dapat na inuuna at hindi ang kikitain mula sa mga pasahero.

Facebook Comments