Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Koko Pimentel sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na aksyunan na ang mga nakabinbing aplikasyon para sa Transport Network Vehicle Service o TNVS.
Ito ang nakikitang solusyon ni Pimentel sa pinangangambahang monopolya at pagtaas ng singil sa mga pasahero sa ride-sharing industry matapos bilhin ng Grab ang Uber.
Paliwanag ni Pimentel, ang pagpasok ng bagong player sa ride-sharing industry ang titiyak na hindi makakapagsamantala ang Grab.
Ayon kay Pimentel, dapat ngayong hikayatin ng LTFRB ang mga bagong players sa ride-sharing industry kasabay ng pagtiyak na mahigpit na nasusunod ang TNVS guidelines.
Dapat din aniyang i-monitor na mabuti ng LTFRB ang social media para sa mga reklamo ng mga pasahero ng TNVS at agad itong aksyunan.