Manila, Philippines – Sa harap ng problema sa bigas, pina-arangkada na ang build, build, build program sa National Irrigation Administration (NIA) sa layuning pabilisin ang pagtatayo ng mga pang-agrikulturang imprastraktura na makatutulong upang paunlarin ang produksyon sa pagsasaka.
Kasunod ito ng paglagda ng kontrata ng National Irrigation Administration (NIA) ng Daewoo Engineering & Construction Co., Ltd., para sa konstruksyon ng P11.2-billion Jalaur River Multi-Purpose Project Phase II.
Ayon kay NIA Administrator Ricardo Visaya, ito ang tuloy-tuloy na magtutustos ng patubig sa abot 31,840 ektaryang lupang sakahan sa Iloilo.
Target nito na maitaas ng 7.6 percent ang produksyon ng palay mula 300,000 metric tons mula sa dating 140,000 na naaani sa Iloilo.
Ang gobyerno ng Korea ang nagpondo ng P8.95 billion sa ilalim ng official development assistance.
P2.2 billion naman ang counterpart fund ng gobyerno ng Pilipinas.
Kumpara sa pautang ng China, tatlong porsyentong mababa ang pautang ng Korea na nasa 0.15 percent lamang.