Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian sa pamahalaan na tutukan ang “Drill, Drill, Drill” program bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Ito rin ang nakikitang solusyon ni Gatchalian sa patuloy na tumataas na presyo ng bilihin o inflation rate na pumalo na sa 6.7 percent.
Target ng naturang programa na linangin at gamitin ang langis at natural gas na nasa exclusive economic zone at extended continental shelf natin.
Ipinaliwanag ni Gatchalian, na kapag na-develop na natin ang sarili nating langis at natural gas ay hindi na natin kakailanganing umangkat pa sa mataas na presyo.
Sa ngayon aniya ay binibili pa natin sa ibayong dapat ang 94 percent ng ating pangangailangan sa langis kaya agad tayong naapektuhan sa bawat paggalaw ng presyo nito sa international market.