SOLUSYON | Rules of court, nirerepaso ng SC para mapabilis ang pagresolba sa mga kaso sa korte

Manila, Philippines – Tinanggap na ni Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta ang direktiba para maging working chairman ng rules committee ng korte suprema.

Sinabi ni Supreme Court spokesman Jose Midas Marquez na muling binuhay ng korte ang rules committee para repasuhin ang rules of court.

Layon ng hakbang na mapabilis ang pagresolba sa mga kaso sa korte.


Sa ngayon, pinatutupad na ng Korte Suprema ang continuous trial sa mga drug-related na kaso.

Facebook Comments