PATULOY | Problema sa labor shortage ng Canada, lalong lumala

Canada – Patuloy ang paglala ng labor shortage sa Canada.

Kasunod na rin ito ng babala ang isang business group na mahigit 430,000 na trabaho sa small at medium sized na mga kumpanya ang nananatili na hindi napupunan sa loob ng nakalipas na apat na buwan.

Sa ulat ng Canadian Federation of Independent Business – ang job vacancy rate sa Canada ay tumaas pa sa 3.3 percent mula sa dating 2.9 percent.


Partikular na nararanasan ang labor shortage sa services sector, construction, agricultural, at oil and gas.

Nabatid na ramdam na sa mga kumpanya sa Canada ang epekto ng krisis.

Facebook Comments