Solusyon sa alert orders sa Customs, inilatag na.

Manila, Philippines – bumuo na si Customs Commissioner Rey Guerrero ng alert order clearing house desk.

Ito ay para matutukang mabuti ang mga alert orders na inisyu ng mga alerting authorities at alinsunod na rin sa section 1111 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act.

Ayon kay Guerrero layon din ng naturang clearing house na mapabilis at mapadali ang pag proseso ng mga alert orders sa pamamagitan ng aktibong pagmomonitor ng mga alerted shipments.


Dagdag pa ng opisyal base sa mga inisyal na resulta at mga datos na kanilang nakalap ay bumaba na lamang sa mahigit nubenta mula sa dating tatlong daan ang pending o on process na alerted shipment.
Kasabay nito ay nilinaw naman ng opisyal na walang kapangyarihan ang alert order clearing house na mag isyu ng alert orders at tanging ang commissioner at mga district collectors lang ang makakagawa nito.

Facebook Comments