Ilang Dagupeño iginiit ang ilang solusyon upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa.
Ayon sa ilang Dagupeño, bunga umano ng hindi pagsunod ng mga kabataan sa kanilang magulang ang pagkakatala ng mataas na kaso ng teenage pregnancy
Ang iba naman ay nagsabing gumamit na lang ng contraceptives o pills para maiwasan ang pagbubuntis, at tamang paggabay ng magulang at wastong pagpapalaki naman ang sagot ng iba.
Sa inilabas na datos ng Save the Children, tumaas ng 35% ang bilang ng mga batang babaeng edad 10-14 na nanganganak sa bansa. Mula 2,320 noong 2021 tumaas ito’t naging 3,135 taong 2022. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments