SOLUSYON | Technical Working Group, binuo upang matuldukan ang human trafficking

Kasabay ng pagsisimula ng weeklong celebration ng International Day Against Trafficking

Binuo ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) katuwang ang iba’t-ibang international organizations, Non-Government Organizations (NGOs) ang 3 Technical Working Groups upang matuldukan ang problema sa human trafficking.

Kabilang dito ang TWG para sa seafarers at fishers, domestic & tourist workers at online sexual exploitation of children.


Layon ng dialogue na gumawa ng mga rekomendasyon para maresolba ang human trafficking nang sa gayon ay maamyendahan o makagawa ng batas ang mga mambabatas na magpoproktekta sa mga bata, babae na kadalasang biktima ng human trafficking o human exploitation.

Samantala, sa talumpati naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinuno din ng IACAT. Ipinagmalaki nito ang pinakahuling tagumpay ng ahensya sa pagsagip sa isang 9 taong gulang na Filipina na biktima ng online sexual exploitation ng isang French pedophile.

Sinabi ni Guevarra na matapos ang 4 na buwang pagdinig sa kaso, hinatulan ng qualified trafficking ang suspek at kasabwat nitong Pinoy.

Nagpasalamat si Guevarra sa iba’t-ibang sektor na nakiisa at tumulong upang mapanagot sa batas ang naturang pedophile.

Facebook Comments