MANILA – Hindi bumenta kay Senadora Leila De Lima ang mga dahilan ni Wally Sombero kung bakit hindi na naman ito nakadalo sa pagdinig ng senado.Ayon sa senadora, hindi siya naniniwala kay Sombero at hiniling na ipa-cite for contempt ito.Pero ipinagpaliban ni senate committee on justice and human rights chairman Sen. Richard Gordon ang pagdedesisyon sa mosyon ni De Lima.Ayon kay Gordon, bibigyan muna niya ng ilang oras si Sombero para makapag-sumite ng medical certificate nito.Ang tinig nina Sen. Leila De Lima at ang bahagi ng sagutan nina Sen. Richard Gordon at Atty. Ted Contacto.
Facebook Comments